WASHINGTON (AFP)— Iniutos ng UN Security Council ang agarang pagpapalaya sa lahat ng mga bihag ng grupong Islamic State, kasabay ng pangako ng Jordan na gagawin ang lahat upang sagipin ang buhay ng isang piloto na nahuli ng mga militante.

Kinondena ng 15-member council noong Linggo ang “heinous and cowardly” na pagpatay sa isang mamamahayag na Japanese matapos sabihin ng jihadist group na pinugutan nila siya.

“Those responsible for the killing of Kenji Goto shall be held accountable,” sabi ng Security Council, iniutos ang “immediate, safe and unconditional release of all those who are kept hostage” ng IS at iba pang kasangga ng Al-Qaeda.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sumumpa naman ang gobyerno ng Jordan, na gagawin ang lahat upang masagip ang air force hero pilot na si Maaz Kassasbeh, na nahuli ng IS matapos bumulusok ang kanyang eroplano sa Syria noong Disyembre.