Ito ang huling bahagi ng ating paksa tungkol sa pag-iwas sa pagkakasakit bunga ng matagalang pagkakaupo sa iyong silya.

Nabatid natin na ang ating katawan ay hindi dinisenyo upang maupo nang maraming oras. Kaya kailangan nating gumalaw. Sa pagkakaupo, limitado lamang ang ating paggalaw at upang hindi tayo magkasakit tulad ng diabetes, katabaan, sakit sa puso, cancer (lalo na ang breast cancer) at depression, at marami pang iba. Kaya kailangan nating tumayo at maglakad-lakad paminsan-minsan.

Ipagpatuloy natin...

Huwag isiping pinahihirapan mo ang iyong sarili. – Kung mahal mo ang iyong sarili, gagawa ka ng paraan upang dumaloy nang tama ang iyong dugo sa buo mong katawan. Ayon na rin sa mga eksperto sa kalusugan, kailangang huwag kang mahirati sa pagkakaupo nang matagalan dahil maaaring maging mitsa ito ng iyong pagkakasakit. Kung iniisip mong pinahihirapan mo ang iyong sarili sa regular na pagtatayo at paglalakad, huwag. Kailangan ito ng iyong katawan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Magkaroon ng best friend. – Kung ayaw mo ng best friend dahil may nakakuha na ng puwestong iyon sa iyong buhay, puwede kang mag-assign ng best co-employee. Ang best co-employee mong ito ay maaari mong pakiusapan na yayain kang magmeryenda sa oras nitong magmeryenda. Dahil dito, mapaalalahanan mo ang iyong sarili na kailangan mong tumayo at maglakad na kasama niya paunto sa kantina ng inyong opisina. Sa oras ng meryenda, nakatitiyak kang kikilos ka. Mainam itong paraan upang takasan ang pagkakaprente mo sa iyong upuan.

Sa maliliit na hakbang, kaya mong labanan ang kamatayang maaaring idulot sa iyo ng matagalang pagkakaupo sa iyong silya habang nagtatrabaho. Kaya huwag sanang katamaran ang pagtayo at paglakad-lakad paminsan-minsan.