Talumpung mga laro, tig-sampu sa men`s, women`s at juniors division, ang tampok sa pagbubukas ng NCAA Season 90 beach volleyball championships na idaraos sa Baywalk sa Subic Bay sa Olongapo City.

Ito ang ikalawang pagkakataon na gaganapin ang NCAA beach volleyball competitions sa dating US military base kasunod ang naunang pagdaraos noong 2012.

Nakatakdang ipagtanggol ng San Sebastian College (SSC) ang kanilang titulo sa women`s division sa pangunguna ng nagbabalik na si Gretchel Soltones na mayroon na ngayong bagong katambal na si indoor volleyball Rookie of the Year Charmaine Dalisay.

Hindi na nakabalik ang nakaraang taong kakampi ni Soltones na si Czarina Berbano na idineklarang ineligible na makalaro sa kanyang huling season dahil hindi ito naka-enroll sa first semester dahil nagkataon ang lahat ng kulang nyang units ay sa second semester lamang ipinagkakalaoob sa kanilang paaralan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa men`s division, idedepensa naman ng College of St. Benilde (CSB) ang kanilang titulo habang sisimulan ng Arellano University (AU) ang title retention bid nila sa juniors side.

Muli, inaasahang magiging mahigipit na katunggali ng Lady Stags para sa titulo ang nakaraang taong losing finalist na Arellano Lady Chiefs, Emilio Aguinaldo College (EAC) at St. Benilde.

Tiniyak naman na magiging matinding karibal ng Blazers sa men`s division ang EAC Generals at Arellano Chiefs.