Kahapon nabatid natin na maaari kang magkasakit sa matagal na pagkakaupo sa iyong upuan habang nagtatrabaho. May ilang sakit ang iniuugnay sa pag-upo nang matagalan tulad ng diabetes, katabaan, sakit sa puso, cancer (lalo na ang breast cancer) at depression at marami pang iba. Kailangang ihinto ang pagkaadik natin sa pag-upo. Magdeklara ka ng digmaan laban sa iyong silya! Tumayo ka!

Narito pa ang ilang tip upang makatakas ka sa pagkakagapos mo sa iyong upuan:

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Imonitor ang iyong aktibidad. – Tulad ng pagmomonitor mo ng iyong mga obligasyon sa telepono, tubig, kuryente, Internet usage at iba pa, imonitor mo rin ang iyong aktibidad. Gamit ang notepad feature ng iyong cellphone, puwede mong itala kung ilang beses kang tumayo at naglakad sa isang araw at sikapin mong lampasan iyon sa susunod na araw. Sa ganitong paraan, magkakaroon ka ng gana sa pagsasagawa ng aktibidad na ito. Minsan, kapag nalalampasan na ng tao ang tinatarget nila, binabalewala na nila ang pagmomonitor ng kanilang aktibidad. Gagawin mo lang ito kung nabuo mo na ang kasanayang kumilos mula sa iyong pagkakaupo.

Bigyan ng premyo ang iyong sarili. – Ito ang masaya – ang pagbibigay mo ng reward sa iyong pagsisikap. Nang pinayuhan ko ang isang kaibigan upang huminto siya sa panigigarilyo, nabigla ako sa kanyang tagumpay. Sabi ko, sa tuwing naroon ang tuksong manigarilyo siya, maghulog siya ng halaga ng isang sigarilyo sa isang alkansya. Pagkaraan ng maraming buwan, nakabili na siya ng bagong cellphone at iyon mismo ang ginamit niya sa pag-text sa akin ng pasasalamat. Makapangyarihan talaga ang reward system. Sa tuwing tatayo at maglalakad-lakad mula sa iyong upuan, mararamdaman mo ring dumadaloy ang iyong dugo sa buong katawan, nagkakaroon ka ng bagong sigla. Habang humahakbang ang panahon, gumaganda ang kondisyon ng iyong kalusugan, at premyuhan mo ang iyong sarili sa pagsali sa mga pisikal na aktibidad sa inyong opisina o barangay o komunidad. May kakayahan ka nang maging maliksi at masigla.

Tatapusin bukas.