SAN JOSE, Tarlac – Magdamag na hinalay ng dati niyang nobyo ang isang 17-anyos na babae matapos siyang kidnapin ng una sa Sitio Mambog, Barangay Sula sa San Jose, Tarlac, noong Huwebes ng gabi.

Sinamahan ng kanyang ina ang dalagita sa pulisya upang ireklamo si Jeffrey Santos, 21, binata, ng nasabing barangay.

Nabatid na naglalakad pauwi ang dalagita nang sundan siya ni Santos, na nakasakay sa motorsiklo, at pinipilit na isakay pero tumanggi ang biktima.

Sa kapipilit ng suspek ay pumayag na rin ang dalagita, pero dinala siya ng suspek sa bahay nito at doon ay magdamag umanong hinalay.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20