JAKARTA (AFP)— Ang co-pilot ng AirAsia flight na bumulusok sa Java Sea noong nakaraang buwan ang nagpapalipad nang ito ay bumulusok, na ikinamatay ng lahat ng 162 kataong sakay noong Disyembre 28, 2015 sa biyaheng Indonesia patungong Singapore, sinabi ng mga imbestigador noong Huwebes.

Inanunsiyo ito kasabay ng pagkakatagpo ng mga mangingisda sa dalawa pang bangkay mula sa crash sa karagatan ng Sulawesi island sa central Indonesia, may 1,000 kilometro (600 milya) mula sa kinabagsakan ng eroplano, sinabi ng isang search and rescue official. May 72 bangkay pa lamang ang natatagpuan.

Sinabi ng National Transportation Safety Committee ng Indonesia na ang French copilot na si Remi Plesel, ang nagpapalipad ng eroplano, nang ito ay bumulusok, imbes na si Captain Iriyanto, isang beteranong dating fighter pilot.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“The second-in-command was the pilot flying,” sabi ni chief investigator Mardjono Siswosuwarno sa mamamahayag sa Jakarta, idinagdag na sinusubaybayan naman ng captain ang flight.