Andi-Jake

FOLLOW-UP ito sa sinulat namin kahapon tungkol kina Andi Eigenmann at Jake Ejercito na nagkabalikan na naman kaya ang tanong ng netizens, “Bakit laging nagkakabalikan maski na nagkakasakitan na?”

Pumatol naman kami at sinagot namin ng, “Greatest love raw kasi nila ang isa’t isa, sabi mismo ng Kuya Gabby Eigenmann ng aktres.”

Ang nakakalokang tanong, “Baka naman po totoo ang tsikang si Jake ang ama ni Ellie at hindi si Albie (Casiño).”

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

Ay wala kaming alam sa tsikang ito, mas mabuting sina Andi at Jake mismo ang tanungin natin.

Hmmm, puwede ring si Albie ang tanungin namin kung natuloy na ipina-DNA test niya si Ellie at kung ano ang resulta.

Pero, Bossing DMB, napaisip kami sa tanong na si Jake Ejercito ang tatay ni Ellie, ikaw ano’ng masasabi mo?

(Wala akong kaalam-alam sa pinaggagagawa ng mga bagets na ito, huwag ninyo akong idadamay, Reggee. Joke! Hahahaha! Seriously, ang nanay siyempre ang tunay na nakakaalam. --DMB.)