Sa kulungan bumagsak ang magkapatid na lalaki na umano’y No. 6 sa listahan ng mga wanted kaugnay sa pagbebenta ng shabu, matapos silang madakip ng mga awtoridad sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay P/ Sr. Supt. Rhoderick C. Armamento, hepe ng Valenzuela Police, paglabag sa RA 9165 (illigal possession of dangerous drugs) ang kinakaharap na kaso ng magkapatid na Larry at Gerry Guache, mga residente ng Dulong Tangke, Barangay Malinta ng nasabing lungsod.

Sa panayam kay Chief Inspector Allan R. Ruba, head ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG), bandang 4:30 ng hapon ng magsagawa sila ng anti–illegal drug operation sa nasabing lugar. Nakuha sa mga suspek ang limang gramo ng shabu.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20