Inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta at iwasang dumaan sa anim na kalsadang kinukumpuni ng Department of Public Works and Highways DPWH) sa Quezon City ngayong weekend.

Ayon sa MMDA sinimulan ng DPWH ang road reblocking at repair nitong 10:00 ng gabi ng Biyernes at magtatapos 5:00 ng madaling araw sa Lunes, Enero 26.

Kabilang sa kinukumpuni ang southbound Mindanao Avenue mula sa Road 20 hanggang Congressional Avenue (3rd lane) at C.P. Garcia Avenue sa Pook Aguinaldo hanggang sa Katipunan Avenue (3rd lane), northbound Quirino Highway buhat sa Service Road hanggang Balon Bato (4th inner lane).

Inaayos din ng DPWH ang eastbound Batasan Road magmula sa DSWD hanggang Payatas Road (1st inner lane) at Congressional Avenue from Sinagtala Street to Mindanao Avenue (1st lane) maging ang westbound Congressional Avenue Extension sa Luzon Avenue hanggang Tandang Sora Avenue (3rd lane).
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists