BACOLOD CITY - Isang 24-anyos na lalaki na ikalawang most wanted sa Negros Occidental ang naaresto ng awtoridad kamakailan.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Raphy Disoy, tubong Isabela, Negros Occidental. Naaresto si Disoy sa pinagtataguan nito sa Mandurriao, Iloilo.

Ayon sa Special Operations Group ng Iloilo City Police Office, nakatanggap sila ng impormasyon sa pinagtataguan ni Disoy na pitong taon nang pinaghahanap ng awtoridad.

Nahaharap ang suspek sa kasong pagpatay sa isang lalaki sa bayan ng Isabela noong 2008.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Itinanggi naman ng suspek ang akusasyon at nanindigang walang kasalanan.