Mga laro ngayon:

(Ynares Sports Arena)

12 p.m. MP Hotel vs. Cebuana Lhuillier

2 p.m. MJM-M Builders vs. Jumbo Plastic

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

4 p.m. Hapee vs. Cagayan Valley

Sino ang magtatapos na top notcher sa eliminations at sino ang kukuha ng huling twice-to-beat incentive papasok sa quarterfinals sa pagpapatuloy ng akisyon sa PBA D-League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ito ang mga katanungang tutugunan ngayon sa nakatakdang triple-header na kinatatampukan ng tapatan ng dalawang unbeaten teams na Hapee at Cagayan Valley tungo sa susunod na round ng liga.

Kapwa nakatitiyak na ng kanilang slots sa semifinals ang dalawang koponan kung saan ay angat lamang ng isang panalo ang Fresh Fighters na taglay ang barahang 10-0 kontra sa Rising Suns na may hawak na 9-0 na may dalawa pang nalalabing laro, kabilang na ang laban sa Hapee at sa Wangs basketball sa huling araw ng eliminations.

Paglalabanan na lamang ng dalawang koponan kung sino ang magtatapos na No. 1 at No. 2 team.

Sa ganap na alas-4:00 ng hapon magtitipan ang Hapee at Cagayan Valley matapos ang unang salpukan na magsisimula sa alas-12:00 ng tanghali sa pagitan ng napatalsik nang MP Hotel at Cebuana Lhuillier at sibak na ring MJM-M Builders at Jumbo Plastic sa alas-2:00 ng hapon.

Kasalukuyang magkasalo sa ikaapat na puwesto hawak ang barahang 6-4 (panalo-talo), pinagaagawan ng Gems at ng Giants ang ikalawa at huling twice-to-beat advantage na insentibong makakamit ng mga koponang tatapos na ikatlo at ikaapat sa eliminations.

Nakuha na ng Cafe France ang una matapos makopo ang third spot kaya ang ikalawa na lamang ang pag aagawan ng Gems at Giants.

Kaya naman importante para sa dalawang koponan ang manaig ngayon sa kanilang kalaban na papapel na lamang na ``spoiler`` kung sakali para sa kanilang inaasam.

Gayunman, sa dalawang koponan, pinakamalaki ang tsansa ng Giants sakaling kapwa silang manalo at magtabla ulit sa fourth spot dahil tinalo nila ang Gems sa kanilang laban sa eliminations.

Ang tanging pag-asa lamang ng Gems, upang makamit ang nasabing twice-to-beat advantage, ay ang mabigo ang Giants sa Builders.

Subalit kahit na matalo, nakatitiyak na rin ang Gems sa pagpasok sa quarterfinals kung saan sila rin ang makatutunggali ng Giants.