LINGAYEN, Pangasinan - Nagpaalala ang pamunuan ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) sa publiko na ipatutupad ang gun ban simula ngayong Huwebes, Enero 22, hanggang sa Marso 2 para sa Special Sangguniang Kabataan (SK) Election sa susunod na buwan.

Sinabi ni Supt. Ferdinand “Bingo” De Asis, tagapagsalita ng PPO, na simula ngayong Huwebes ay kanselado na ang anumang permit to carry firearms at mission order at kasabay na rin nito ang pagbawi sa mga PIV security.

Ayon kay De Asis, kasabay ng gun ban ay mahigpit ding magpapatupad ng checkpoint ang Philippine National Police (PNP) sa mga pangunahing lansangan sa bawat bayan para matiyak ang seguridad sa probinsiya.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente