ROSARIO, Batangas - Dead on arrival sa pagamutan ang isang tricycle driver makaraang makuryente habang nagkakabit ng kuryente mula sa isang poste sa Rosario, Batangas.

Patay na nang idating sa Sto. Rosario Hospital si Flor Nacario Jr., 50 anyos.

Ayon sa report ni PO3 Grizzly Awat, dakong 10:30 ng umaga nitong Enero 19 ay nagkakabit ng kable ng kuryente si Nacario mula sa bakal na poste patungo sa bahay ng isang Noriel Sim sa Barangay San Roque nang nakuryente siya at nahulog.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20