Narito ang karugtong ng ating paksa tungkol sa mga katotohanang dapat mong malaman bago ka humantong sa iyong ika-25 kaarawan. Nagbabago na ang buhay mo habang papunta ka na sa edad 25. Nagsasara na ang mga lumang kabanata ng buhay mo at nagbubukas naman ang bago. Naging malinaw sa iyo kahapon na hindi sa lahat ng pagkakataon ay makatatagpo ka ng mga tao na katulad ng pag-iisip mo. Minsan, kailangan mong makatrabaho ang mga magkakasalungat ng opinyon o pananaw sa buhay.
- Malaki ang pakinabang ng kahit na katiting na perang naimpok.
- Mahalaga ang maayos na pananamit. Hindi ka nga gagawing mainam na tao niyon ngunit nakadadagdag iyon sa iyong personalidad.
- Minsan, namamatay ang pag-ibig ng tao. At mas madalas na umiibig sila sa maling tao.
- Hindi nabibili ng pera ang kaligayahan; lalo na ang pagiging kontento.
- Laging may panahon sa pag-eehersisyo.
- Ang mga bagay na pinag-aalala mo ngayon ay hindi na magiging mahalaga kalaunan.
- Kapag nakalasap ka ng tagumpay, maghahangad ka pa ng mas maraming tagumpay.
- Sa panahong ito, magkakaroon ka ng masasaya at magagandang alaala ng iyong mga paglalakbay.
- Walang ‘tamang’ panahon para gawin ang kahit na ano. Kapag nagpasya ka nang gawin ito, iyon ang tamang panahon.
- Mas mahirap matamo ang respeto kaysa kumita ng pera. Hindi pa huli ang lahat upang bitiwan mo ang iyong trabaho at gawin ang gusto mo.
- Mare-realize mo na tama ang iyong mga magulang sa halos lahat ng bagay sa buhay. Walang maaaring magpabago sa iyo kundi ang iyong sarili.