DING, ANG BATO! ● Ito ang sikat na kataga sa ng superhero na si Darna na obra ni Mars Ravelo. Pero ibang klaseng bato ang pag-uusapan natin, ito ay tungkol sa kidney. Sa Sri Lanka, ayon sa ilang ulat, lumalaganap ang isang misteryosong sakit sa kidney o bato. Marami sa mga mamamayan doon ang nagpapasuri sa mga manggagamot hindi dahil may sakit sila kundi dala ng takot. Nais nilang malaman kung sila na ang susunod na biktima ng misteryosong sakit sa bato na lumipol sa napakaraming magsasaka ng palay sa Sri Lanka at walang nakaaalam pa kung bakit.

At ang mga residente ng mga sakahan lamang ang naapektuhan ng misteryosong sakit. May ilan na isinisisi ang epidemya sa tubig dahil sa walang habas na paggamit ng pestisidyo. Ang iba naman isinisisi sa isda na maaaring nagtataglay ng mga nakalalasong algae; kaya binalaan ng mga awtoridad na iwasang kumain ng mga isdang nakukuha sa ilog. May kahalintulad ding sakit ang nararanasan sa ilang bahagi ng Central America, India, Egypt, Nicaragua at El Salvador na naniniwalang ang mga kemikal na ginagamit sa agrikultura ang pinagmulan ng problema. Ayon sa datos ng WHO, tumaas ang level ng cadmium at lead sa ilang gulay sa lugar na maaaring nakuha ng mga ito sa lupang nabudburan ng pestisidyo. Hanggang nilalason ng tao ang lupa, para na ring nilalason natin ang ating sarili. Ang solusyon dito ay ang magpatupad ng organic farming – yaong gumagamit ng natural na abono. Marumi na talaga ang daigdig.

***

MALAKI NG TAKOT ● May nakapag-ulat na binigyan na ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ng deadline si Floyd Mayweather na labanan siya. Sinabi ni Pacman na mayroon si Floyd na hanggang katapusan ng buwan upang kumpirmahin ang kanilang bakbakan sa May 2. Ani Pacman, kailangang malaman kung kakasa ba si Floyd dahil kung hindi, hahanap na lamang siya ng ibang patutulugin sa lona. Pumayag na nga si Pacman sa hatiang 60-40 ngunit hindi naman nagpaparamdam ang unbeaten American fighter. Sa itinagal ng mga paratangan at iringan, hindi naman nagpaparamdam si Floyd. Para sa akin, isang kaduwagan ang pananahimik. Malaki siguro ang takot ni niya sa ating Pambansang Kamao kung kaya puro pasaring na lamang ang pinupukol nito kaysa katiyakang tinatanggap nito ang paghamon. Sa pananahimik ni Floyd, lalong tumataas ang antas ng paghanga ng daigdig sa katapangan at kumpiyansa ni Manny.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists