Aprubado at ikinatuwa ng mga kalahok, partikular ng Team Negros, ang bagong format ng Ronda Pilipinas 2015.

Sinabi ni ABAP Executive Director Ed Picson naIpinaalam ni Team Negros Manager Marciano Solinap na mas mabibigyan ng pagkakataon ang kanilang koponan na makapili nang mas mahuhusay na siklista sa bagong format bago isagawa ang pinakaimportanteng yugto ng karera na sisimulan sa Pebrero 22 hanggang 27 sa Luzon.

Sinabi ni Solinap na mas maraming Visayan cyclists ang magkakaroon ng pagkakataon na mapasabak at makuha ang oportunidad na makahanap ng koponan para makapagpartisipa sa isa sa dalawang stage na gaganapin sa eliminasyon para sa Mindanao, Visayas at Luzon.

Ipinaliwanag nito na mas maraming provincial teams na tulad ng Negros ang kaya nang ngayong lumahok sa Ronda dahil hindi na nila kailangan na maghanap ng P200,000 entry fee at kailangan na lamang gumastos para sa araw-araw na pangangailangan ng kanilang mga siklista sa pinakapinal na yugto.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Umaasa ang Team Negros sa kanilang unang napiling miyembro na sina Arjay Fuentes, Edwin Nacario, Ederson Loren, Roy Carboneta at magkapatid na Junvie at Jaybop Pagnanawon na makapasa sa eliminasyon kung saan ay matagal na silang nagsasanay sa ilalim ni dating Tour champion at ngayon ay coach na si Rolando Pagnanawon.

Hangad ng Team Negros, na magpapartisipa sa Mindanao at Visayas trials, na makumpleto ang kanilang komposisyon sa pagkakadagdag ng talento na eksaktong kakasa sa sistema ng koponan.

Kabuuang 90 riders, 30 kada isa mula sa bawat qualifying leg, ang makasasama ng seeded na miyembro ng national team at 2014 Champion na si Reimon Lapaza sa pinaka-ultimong 8-stage na karera.