Enero 20, 1841 nang ibinigay ng China sa United Kingdom (UK) ang kontrol nito sa Hong Kong matapos matalo ang una sa First Opium War sa pamamagitan ng kasunduan sa Chuenpi Convention.

Sinalakay ng UK ang China noong 1939 sa layuning tapusin ang paglaban ng huli sa pag-impluwensiya ng una sa mga polisiyang pulitikal at pang-ekonomiya ng China. Ang First Opium War ay bunsod ng matinding kampanya ng emperador ng Qing laban sa drug trafficking sa China. Habang pinalalakas ang militar, determinado ang UK na makipagkalakalan sa China, ngunit tumanggi ang dinastiyang Qing.

Taong 1842 nang opisyal na nagwakas ang digmaan matapos pirmahan ang Treaty of Nanking. Sa kontrol ng British, naging East-West trading center ang Hong Kong at naging isang matagumpay na commercial center sa katimugang China. Hulyo 1, 1997 nang ibalik sa pamamahala ng China ang isla.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists