MAY mga katotohanang dapat mong malaman bago ka humantong sa edad 25. Ang 25 ay isang mapaglarong edad. Hindi ka college student sa edad na ito at hindi ka rin pamilyado. Naroon ka sa pagitan ng kabataan at matanda. Nagbabago na ang buhay mo habang papunta ka na sa edad 25. Nagsasara na ang mga lumang kabanata ng buhay mo at nagbubukas naman ang bago. At narito ang ilang katotohanan na dapat mong malaman bago ka humantong sa iyong ika-25 kaarawan:
● Hindi nadedetermina ang iyong halaga sa pamamagitan ng iyong hanapbuhay.
● Lahat ng tao ay mahirap ang buhay kaya huwag kang reklamador sa tindi o bigat ng iyong ginagawang trabaho. Hindi ka nag-iisa.
● Walang nagrerekord ng lahat ng iyong pagkakamali, kaya relax ka lang.
● May mga kaibigan kang magpapaalam at may mga darating naman sa buhay mo. Huwag mangamba, sapagkat hindi ka maubusan ng kaibigan.
● Hindi sa lahat ng pagkakataon ay makatatagpo ka ng mga tao na katulad ng pag-iisip mo. Minsan, kailangan mong makatrabaho ang mga magkakasalungat ng opinyon o pananaw sa buhay.
● Hindi pagiging makasarili ang magsikap upang marating ang iyong mga pangarap.
● Hindi totoo na kapag mabait ka sa iba, magiging mabait din ang iba sa iyo. Minsan, mas mainam na kaibigan ang isang aso sa larangang ito.
● Maraming beses kang mabibigo sa pag-ibig. Mas mainam na iyon kaysa hindi ka umibig. Minsan, hindi nagkakatuluyan ang first love. Ang pag-ibig ay higit pa sa romansa.
● Hinihilom ng panahon ang lahat ng bagay, sa totoo lang.
● Ang lahat ay nangangailangan ng tulong, kaya huwag mahiyang magpasaklolo.