TARLAC CITY - Dahil sa matinding kalasingan at sa udyok umano ng ilang kainuman, minolestiya ng isang lalaking lasing ang isang estudyante ng Grade 9 sa Sitio Urquico, Barangay Matatalaib, Tarlac City, noong Sabado ng gabi.

Halos matulala umano ang 14-anyos na babaeng estudyante ng Tarlac National High School sa pangmomolestiya sa kanya ni Julius Francis Reyno, 24, binata, driver, ng Bgy. Burot, Tarlac City.

Dakong 8:30 ng gabi, nakikipag-inuman ang suspek sa ilang kabarkada nang nakita niya ang biktima na bumibili ng softdrinks sa tindahan at pinaghihipuan niya sa maseselang bahagi ng katawan.

Nakakulong na si Reyno at nahaharap sa acts of lasciviousness
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20