TANAUAN CITY, Batangas – Labing dalawang Korean at isang Pinoy na driver ang naiulat na nasugatan matapos umanong mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang coaster van sa Tagaytay Highland na sakop ng Tanauan City, Batangas.

Bandang 9:15 ng umaga nitong Enero 15 nang umano’y mahulog sa may 50-metrong lalim na bangin ang van (TYY-772).

Nawalan umano ng kontrol sa manibela nang mawalan ng preno si Emmanuel Perez, 50, hanggang tumaob ang van at nahulog sa mid-island road sa Barangay Suplang.

Nakilala ang mga nasugatan na sina So Misok, 52; Kim Jong Wook, 59; Jang Heungbok, 53; Pakk Sang IL; Lee Hae Kil, 52; Aw Byung Jon, 49; Song Dae Seob, 53; Shin Kung Ho, 53; Hwang Hei Sung, 44; Kim Dae Jin, 42; So Hyun Kuo, 51; at Song Jong Hak, 54 anyos.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Tatlo sa mga nasugatan ay nakaratay pa sa intensive care unit (ICU) ng Tagaytay Medical Center, ayon kay SPO2 Ronnie Arim.