NEW ORLEANS (AP)– Isang personalidad na pamilyar sa sitwasyon ang nagsabi na nagkasundo na ang Memphis Grizzlies, Boston Celtics at New Orleans Pelicans sa isang five-player trade na magpapadala sa forward na si Jeff Green mula Boston patungong Memphis.

Nakipag-usap ang source sa The Associated Press kahapon sa kondisyong hindi ito papangalangan dahil hindi pa inaanunsiyo ang trade at ang pormal na pagpayag ng NBA ay hindi mangyayari hanggang ngayong araw.

Si Tayshaun Prince ay magtutungo mula Memphis papuntang Boston at si Quincy Pondexter na mula Memphis ay magtutungo sa New Orleans.

Ang trade ay magpapadala rin kay Austin Rivers, ang 10th overall pick noong 2012, mula New Orleans papuntang Boston, at ang 2014 second round pick na si Russ Smith ay ipapadala ng New Orleans patungong Memphis. Ibibigay din ng Memphis ang kanilang protected first round draft choice sa Boston at isang second-rounder sa New Orleans.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang nasabing trade ay inaasahang magbibigay ng mas maraming opensiba para sa Memphis, na nakikipaggitgitan para sa Southwest Division lead.

Si Pondexter, na inumpisahan ang career sa New Orleans, ay magbibigay naman ng lakas sa Pelicans bilang small forward.