JAKARTA/PANGKALAN BUN (Reuters)— Naka-detect ng mga ping ang Indonesia search and rescue teams na naghahanap sa wreck ng isang eroplano ng AirAsia sa kanilang pagsisikap na mahanap ang black box recorders noong Biyernes, 12 araw matapos maglaho ang eroplano sakay ang 162 katao, sinabi ng isang opisyal.

Naglaho ang Indonesia AirAsia Flight QZ8501 sa radar screens noong Disyembre 28, halos kalahati sa kanyang dalawang oras na biyahe mula sa Surabaya City sa Indonesia patungo sa Singapore. Walang nakaligtas sa crash.

Ang Airbus A320-200 ay dinadala ang black box cockpit voice and flight data recorders malapit sa buntot. Gayunman, nagbabala ang mga opisyal na maaaring nahiwalay ang mga ito sa buntot.

“We received an update from the field that the pinger locator already detected pings,” sinabi sa Reuters ni Santoso Sayogo, investigator sa National Transportation Safety Committee. “We have our fingers crossed it is the black box.”

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Natagpuan ang buntot noong Miyerkules, na patayong nakabaligtad sa sea bed sa lalim na 30 km (20 miles).

Apatnapu’t anim na bangkay na ang naiahon mula sa dagat ng Borneo.