Ginunita at pinagbunyi noong Martes ng Quezon City government ang ika-203 kapanganakan ng bayaning Ina ng Katipunan na si Melchora Aquino na kilalang “Tandang Sora” sa Barangay Banlat, Tandang Sora, ng lungsod.

Naging panauhing pandangal sa seremonyang idinaos sa Tandang Sora Shrine si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na ginawaran ng Tandang Sora award.

Sa kanyang mensahe, hinimok niya ang mga Pilipino na huwag kalimutan ang mga kabutihan, pagmamahal at malasakit sa bayan ni Tandang Sora. Aniya, ngayon ay kilala na lamang bilang isang lugar ang Tandang Sora kaya’t marapat na muling ipakilala sa mamamayan ang mga nagawang sakripisyo at kabayanihan sa bayan ni Tandang Sora.
National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!