Inihain na kahapon ang ikatlong petisyon ng grupong United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) laban sa taaspasahe sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT).

Sa pangunguna ng presidente ng UFCC na si Rodolfo Javellana, pinangalanang respondent sa petisyon ang Department of Transportation and Communication (DoTC), Metrorail Transit Corporation (MTC) at Light Rail Transit Corporation (LRTC).

Hiniling ng grupo na magisyu ang hukuman ng Temporary Restraining Order (TRO) na pipigil sa pagpapatupad ng DoTC Department Order No. 2014-014 na nagdedeklara ng fare hike sa LRT at MRT.

Nais din nilang ideklara na unconstitutional ang kautusan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Giit ng grupo, umabuso ang DoTC nang aprubahan nito ang taas-pasahe dahil hindi man lamang nito kinonsulta ang mga commuter bago ipatupad ang fare hike.