MAGANDANG SALUBONG ● Magdadatingan sa bansa sa Pebrero ang mga kinatawan ng mahigit 40 kumpanya ng Japan para sa isang business mission, ayon sa ulat. Ayon sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), ang mga Japanese na ito kumakatawan sa small and medium enterprises (SME) sa iba’t ibang industriya. Ngunit nilinaw rin ng PCCI na itinuturing na SME ang mga kumpanyang ito sa Japan ngunit malaki naman sa pamantayan ng Pilipinas. Nais ng mga banyagang investor na mamuhunan sa bansa, kasunod ng mga balitang bumubuti na ang lagay ng ating ekonomiya at sa ating kahandaang tumanggap ng mga bagong paghamon para sa kaunlaran ng bayan.

Bukod sa Japan, tinatarget din ng ahensiya na tumanggap ng investment missions mula sa Taiwan, Korea, at Europe. Upang mapaigting ang pamumuhunan sa bansa, isinusulong ng PCCI ang proyektong “Kakampi” na may layuning himukin ang mga negosyong hindi kaanib ng ASEAN na sa Pilipinas magtayo ng kanilang mga establisimiyento. Anang ahensiya, iniimbitahan nila ang mga bansang hindi miyembro ng ASEAN na matatag ng kanilang mga negosyo rito ang gamitin ang bansa bilang kanilang sentro upang makapagluwas ng kanilang mga produkto sa mga bansang miyembro ng ASEAN. Hindi ba napakagandang salubong ito para sa 2015? Mabigyan sana ng pag-asa, ng oportunidad at ikabubuhay ang ating mga kababayan na maaari naman maging manggagawa sa mga kumpanya ng banyaga.

***

MALAWAK ANG DAGAT ● Tila may hangover pa ng nagdaang selebrasyon ng Bagong Taon ang mga kapitan kung kaya nagbanggan ang kanilang mga barko sa karagatang malapit sa Singapore. Noong Enero 2, ayon sa ulat, isang oil tanker at isang cargo vessel ang nagbanggaan sa karagatag malapit sa Singapore na lumikha ng oil spill. Krudo ang tumapon sa dagat ayon sa mga awtoridad. Ang oil tanker ay pag-aari ng Libya at nakarehistro naman sa Singapore ang cargo vessel. Nagkaroon ng damage ang oil tanker kung kaya tumagas ang krudo sa dagat. Tiyak na may kapabayaan na nangyari rito sapagkat napakalawak ng dagat upang maganap ang ganitong uri ng sakuna. Gayong wala namang naiulat na nasaktan sa insidente, tiyak namang maaapektuhan ang ecosystem sa lugar kung hindi agad maiaalis sa tubig ang langis. Panibagong alalahanin na naman ito para sa mga environmentalist at yaong lumalaban sa 2015climate change. Hindi pa nakahihinga nang mabuti ang daigdig sa usok ng mga kuwitis at paputok sa buong daigdig sa pagsalubong ng Bagong Taon, ‘eto may oil spill pa. Tao ang papatay sa daigdig na ito.
National

Kahit nagpapagaling: Doc Willie Ong, pinapanalanging maging maayos na sina PBBM at VP Sara