BATANGAS CITY - Huli sa akto ang apat na bilanggo habang umano’y gumagamit ng ilegal na droga sa loob mismo ng Batangas City Jail sa lungsod.

Kinilala ang mga suspek na sina Edwin Baldovino, 39; Mark Gonzales, 31; Reynaldo Villajuan at Joemar Garcia, pawang nakapiit sa city jail sa Barangay Jose Sico.

Ayon sa report mula sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), nahuli umano ng grupo ni JO1 Jose Herbert Ebreo ang mga suspek habang gumagamit ng hinihinalang shabu sa loob ng banyo ng dormitoryong panlalaki.

Nakuha umano sa mga suspek ang isang sachet na may hinihinalang shabu at drug paraphernalia.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20