Enero 2, 1859 nang ilathala ni Erastus Flavel Beadle (1821-1894) ang libro na “The Dime Book of Practical Etiquette.”

Isa sa mahahalagang payo sa nasabing libro ay: “If you wish to make yourself agreeable to a lady... Make her smile.” Nais din iparating ng libro na hindi karapat-dapat na magsuot ng sombrero ang isang lalaki kung hindi niya alam kung paano ito isuot nang maayos.

Hinihikayat din ang mambabasa na subukin ang kanilang konsiyensiya, iwasan ang paggamit ng kakaibang termino at kataga dahil ito ay “vulgar,” at huwag dumura sa sahig. Hinimok ang mga magulang na huwag ipahiya at maliitin ang kanilang mga anak.

Taong 1860 nang magsimula si Beadle sa paglalathala ng “dime novels,” na mumurahin, maliit at softbound. Makalipas ang limang taon, nakabili ang mga Amerikano ng halos limang milyon ng kanyang libro. Noong 1880s, kabilang ang “The West” sa pinakakilala sa kanyang mga obra.
National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya