‘Feng Shui’ at ‘Big Bossing,’ close fight sa No. 2 at No. 3
KUMPIRMADONG The Amazing Praybeyt Benjamin ang nanguna sa takilya sa pagbubukas ng 2014 Metro Manila Film Festival nitong Disyembre 25 na una naming ibinase sa sold out na lahat na screenings nito sa lahat ng mga sinehan.
Isa kami sa mga nagbalak na unahin itong panoorin at nakasaksi sa dalawang sinehan sa Gateway Cinemaplex sa Cubao na sold out na hanggang 9 PM screening gayong 4 PM kami pumila. Hindi na namin nahintay ang last screening na 9:30-11 PM dahil malayo pa ang uuwian ng mga kasama namin.
Kahapon, kinumpirma na ng very reliable source namin sa MMFF na ang pelikula nga nina Vice Ganda, Richard Yap, Alex Gonzagaat Bimby Aquino Yap ang nanguna base na rin sa figures na ibinigay sa amin.
Sa Metro Manila ay kumita ang The Amazing Praybeyt Benjamin ng P22,129.693.15. Mas mataas ang provincial take nila: P31,235,804.95. Kaya nagsara sa P53,365,498.10 ang total gross income nito sa unang araw na ipinalabas sa 129 theaters.
May mga reaksiyon din kaming narinig sa mga nakapanood na panalo raw si Vice sa comedy at talagang hindi pa rin siya nakakasawang panoorin kahit araw-araw siyang napapanood sa It’s Showtime at meron pang Gandang Gabi Vice.
Sobrang nakukyutan sila kay Bimby na mataba raw sa screen, at manang-mana raw kay Kris sa kataklesahan.
Pare-pareho naman ang nakuha naming komento tungkol kay Richard Yap: “Iisa talaga acting ni Sir Chief, ‘no?”
Wala kaming narinig na feedback tungkol kay Alex. Hmmm, bakit kaya? Mapanood nga, baka naman hindi lang pinansin ng mga nanood.
Very ironic lang na alam naming sobrang saya ang nararamdaman ni Vice nang araw na iyon dahil nangunguna sa takilya ang pelikula niya, pero kinagabihan naman ay nabalitaan naming nagdadalamhati siya sa dahil pumanaw ang kanyang mahal na Lolo Gonzalo Dacumos. Kamakailan ay binanggit pa niya sa The Buzz na may malubha itong karamdaman.
Second choice namin sanang panonoorin din ang Feng Shui 2 nina Kris Aquino at Coco Martin na palabas din sa dalawang sinehan, pero sold out din at ang natirang available screening ay 9:30 PM din! Hmmm, bakit pareho sila nina Vice at Bimby? May contest?
Anyway, mas sosyal pa nga ang Feng Shui dahil sold out ito maging sa GPC o Globe Platinum sa Gateway na ang halaga ng ticket ay P350.
Ito ang nakuha naming figures ng Feng Shui 2 sa Metro Manila: P14,056,878.80 at sa provincial tickets sales naman ay P17,378,892.50. Kaya nagsara ito sa unang araw sa halagang P31,435,771.30, at ipinalabas sa 107 theaters.
Hmmm, malaki ang kalamangan ng Praybeyt Benjamin sa Feng Shui 2 na umabot sa P21,929,726.80 na tama lang din dahil mas marami ang sinehan nina Vice at Bimby, umabot sa 22 theaters ang lamang kina Kris at Coco.
Gayunpaman, sabi ng entertainment industry people, nakapagtala ang Feng Shui 2 ng record bilang highest opening day gross for any Filipino horror film.
Natawa naman kami sa komento tungkol kay Kris, “Pang-horror talaga si Kris, hindi siya kinakagat sa drama at comedy.”
Agree ka ba, Bossing DMB?
(Krissy, si Reggee, o... Ha-ha-ha! --DMB)
Anyway, base naman sa mensahe ni Kris tungkol sa magandang resulta ng pelikula nilang mag-ina, “Super GOOD si God. Vice & Bimb beat our record from last year & highest grossing opening day of any horror film ang FS(Feng Shiu). Nakaka-PROUD na nagbunga lahat ng pinaghirapan. And as Noy’s sister, nakakataba ng puso na may pera ang Pinoy para manood! Between PB (Praybeyt Benjamin) and FS (Feng Shui), practically half a million tickets sold on Dec 25.”
Kumpirmadong nasa ikatlong puwesto ang My Big Bossing ni Vic Sotto na nagtala ng P28 milyon. Kaya pala nabanggit ni MMDA/MMFF Chairman Francis Tolentinosa newscasts noong December 25 na neck-to-neck na naglalaban sa pangalawa at pangatlong puwesto ang Feng Shui at My Big Bossing.
Consistent ito sa nakita nga namin sa Gateway na sa isang sinehan lang palabas ang pelikula nina Vic Sotto, Pauleen Luna, Nikki Gil, Niño at Alfonso Muhlach, Ruby Rodriguez, Marian Rivera at Ryza Mae Dizon at hindi naman nakakuha ng sold-out screening.
Hmmm, pero baka sa ibang sinehan, tigdalawa ang My Big Bossing, di kaya, Bossing DMB?
Marami rin ang nanood sa Kubot: Aswang Chronicles ni Dingdong Dantes (P26.8M), ang umukopa sa no. 4 position; at kasunod naman ang Shake, Rattle and Roll (P26M) at English Only Please dahil mas maraming available seats.
Sa statistics, mas malaki talaga ang mga kinikitang ito ng kada pelikula kumpara noong mga nakaraang MMFF.
Sayang nga, kung wala lang kaming kasamang mga bata, baka ang mga nabanggit din ang pinanood namin.
Palaban sa takilya ang English Only Pleasenina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado dahil balita namin ay sold out ito sa Trinoma Cinema sa unang araw din ng MMFF na nagtala ng total gross na P19M.
Nakakapanghinayang naman ang Bonifacio niRobin Padilla na pinaghirapan dahil hindi gaanong pinasok sa Gateway at sa Alimall cinemas, pero umabot naman sa milyones ang total gross nila sa unang araw: P11M. Sana ay panoorin ito ng mas nakararami dahil tumatalakay ito sa mahalagang bahagi ng ating kasaysayan.
Ano’ng nangyari sa Magnum Muslim .357?