Bimby-Yap

SI Bimby Aquino Yap ang guest nina Boy Abunda at Kris Aquino sa Aquino & Abunda Tonight noong Christmas Eve (Miyerkules ng gabi) at sa unang pagkakataon ay inamin ng King of Talk na lahat ng itatanong niya sa inaanak ay base sa mga nakalista, gayundin ang Queen of All Media.

No doubt, nakuha ni Bimby ang maraming katangian ng kanyang Mama Kris, kasama na ang pagiging honest o prangka, witty and smart, kaya naman no dull moments kapag iniinterbyu.

Naluha si Kuya Boy sa mabilis na sagot ni Bimby nang tanungin ni Kris kung ano ang ibibigay niya sa ninong niya paglaki niya: “Big mansion and medicines.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Tinanong siya ng kanyang mama kung bakit big mansion ang ibibigay niya, “Because he’s my manager.”

Sa pagkakaalam kasi namin ay hindi kinukuha ni Kuya Boy ang komisyon niya kay Bimby sa lahat ng naisasara nitong projects sa pelikula at product endorsements.

At naisip ng bagets ang ‘medicines’ dahil kakailanganin ito ng ninong at mama niya pagtanda nila.

Bukod dito, ipinabigkas ni Kris sa anak kung sinu-sino at ano ang panalangin niya gabi-gabi.

Unang binanggit ni Bimby ang kanyang Tito Noy (Pangulong Noynoy Aquino), “Please guide Tito Noy to be a good President, for Ninong Boy, please give him good health,” na dinugtungan ng King of Talk ng, ‘the mansion you give me’ na sinang-ayunan naman ng bagets, “yeah.”

At ang laging panalangin ni Bimby para sa ina, “To make you a good mom, to make you come home early.”

Kris: “Ay, kasi nagpupuyat ako sa shooting, ikaw kasi (Boy), eh, hindi mo ako binibigyan ng cut-off.” Boy: “Yes, oo nga, I’m really guilty. I’d like to apologize. And because I’m late, I didn’t come on time (A&A).”

At ang panalangin naman ni Bimby para sa kanyang Kuya Josh, “good vocabulary.”

Napag-usapan ang pelikulang The Amazing Praybeyt Benjamin at kumustang katrabaho ang Tito Vice Ganda niya, “He’s great!” pero ikinatawa ni Kris ang facial expression ng anak.

Follow-up question ng proud mom, paano niya nasabing ‘great’ si Vice: “Because we’ve known each other for a long time,” at dinugtungan ni Kuya Boy ng, “And it’s easy to work with someone you know for long.”

Kinunan din ng komento si Bimby tungkol kay Alex Gonzaga: “She is...” (sexy) na hindi mabanggit ng bagets kaya si Kris ang nagsabi at umayon ang anak, “smart.”

Dito kami naloka, dahil pinagkumpara ni Bimby ang direktor na si Wenn Deramas (Praybeyt Benjamin) at si Chito Roño (Feng Shui).

“Direk Wenn is super great, because he’s funny and fast. Direk Chito kinda slow.”

Kaagad namang ipinaliwanag ni Kuya Boy na may kanya-kanyang estilo ang mga direktor, “Different style of directors, Bimby, there are directors who are slow and they take time and there are fast.”

Naitanong din kung ano naman ang wish ni Bimby sa kanyang Papa James Yap sa Pasko, “To be a good Papa and if Tita Mic (Michela Cazzola) and Papa get married, I want them to be never break-up,” na dinugtungan ni Kris ng, “ You wish them a happy life and no fighting-fighting,” na sinagot naman ng anak ng, “yes!”

Sunod na tanong ni Kris, papayagan ba siya ng anak na ma-in-love? “Yes, when I’m eleven.”

Samantala, happy life and good husband naman ang wish ni Bimby sa kanyang Yaya Gerbel na ikakasal sa Disyembre 2015.

At ang regalo ni Bimby kay Ryza Mae Dizon: “iPad Air 2.”

Biglang humiyaw si Bimby nang banggitin ni Kris ang pangalan ng ex-girlfriend ng anak na si Yvanna. “No! You said it! You said it!” Kaya humingi ang TV host/actress ng sorry at sabi pa ng anak, “Wala na kami.” “Oo nga, wala na kayo,” sagot naman ng taklesang mama ng bagets, “Yes, but can you edit Yvanna?”

Tawanan ang lahat sa studio at sabi ni Kris, “I-edit na ‘yang Yvanna.” Dahil gusto raw ng privacy ni Bimby.

Humirit ulit ang makulit na nanay ni Bimby, “But you have a new girlfriend?”

Nanlaki ang mga mata ni Bimby sabay sabing, “Mom, mom, why do you say that! I’m going to say the name (ng new girlfriend) in this room but (should) not (be) aired.”

Naitanong din kung type ba ni Bimby na maging basketball player din tulad ng tatay niya, “Maybe, but I need to practice more.”

Bago natapos ang panayam nina Kuya Boy at Kris kay Bimby ay pinasalamatan ng batang aktor ang supporters niya at sa mga manonood ng Praybeyt Benjamin at pati sa Feng Shui na ibinuking pang sinabihan daw siya ng mama niya i-promote rin raw niya.