SEOUL (Reuters)— Hiniling ng South Korean prosecutors noong Miyerkules ang detention warrant para sa isang dating Korean Air Lines executive na inantala ang isang flight dahil hindi siya nasiyahan sa paraan ng paghahain sa kanya ng nuts sa first class.
Iniimbestigahan ng mga prosecutor si Heather Cho, anak ng chairman ng airlines, sa kasong paglabag sa aviation law at isa pang airline official sa pagsuporta sa kasinungalingang sinumpaang pahayag.
“The prosecution this morning requested a detention warrant,” sabi ng isang opisyal sa prosecutors, idinagdag na pag-aaralan ng korte ang kahilingan.