BACARRA, Ilocos Norte – Nasugatan ang isang ama at anak niyang lalaki sa biglang pagsabog ng nakasalansang paputok sa bodega ng kanilang boarding house sa Barangay San Pedro, Bacarra, Ilocos Norte, nitong Lunes.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Noli Galang, negosyante na taga-Pampanga; at Nolimar Galang.

Bago ang insidente, sinabi ni Noli na pinaglalaruan ng kanyang anak ang de-kuryente nilang pamatay-lamok na nagliyab hanggang biglang sumabog ang mga paputok sa bodega.

Sinabi ni Noli na aabot sa P30,000 ang sumabog na paputok na ibebenta sana niya para sa selebrasyon ng Bagong Taon. (Freddie G. Lazaro)
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20