DINALA NITONG nakaraang Biyernes si Us Lance Corporal Joseph scott Pemberton sa Olongapo Police station. Gaya nina Pangulong Erap, Sen. Revilla, Jinggoy Estrada at Enrile, sumailalim siya sa normal na patakaran na ginagawa ng pulisya sa mga nadakip at pinapanagot sa batas. Kinunan siya ng mug shot at fingerprint at pinalagda sa arrest warrant. kahapon ay binasahan ang Us serviceman ng sakdal sa Regional Trial Court ng Olongapo. Pinaalam sa kanya ang kanyang pagkasala sa batas ng bansa. kinatigorya ng murder ang ibinibintang sa kanya na pagpatay sa transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude ng DOJ special prosecutor team na gumawa

ng preliminary investigation sa kaso.

Sa totoo lang, sapat na iyong naganap kay Pemberton at pagdala sa kanya sa korte sa tuwing may pagdinig ang kaso. Kung ang pag-uusapan ay ang kapangyarihan ng korte na duminig ng kaso at papanagutain siya kung nagkasala hindi mahalaga kung saan siya nakapiit at sino ang namamahala sa kanyang piitan. Gaya rin naman nina Revilla, Estrada at Enrile na hindi sa regular na kulungan sila napapiit habang dininig ang kaso nilang plunder bagamat may panawagan na dito sila ilagay. Kaya lang, dayuhan si Pemberton at naririto siya sa ating bansa dahil sa kasunduang pinasok nito sa amerika na kanyang bansa. Ayaw ibigay ng amerika sa ating bansa ang kustodiya kay Pemberton at pinagbatayan nito ang Visiting Forces Agreement (VFA). Nais ng kampo ni Laude na sa Olongapo City Jail ipiit siya na kinakatigan ko.

Totoo, ang soberanya ay hindi pwedeng ipamigay dahil likas ito sa isang malayang bansa. Pero ang kapangyarihan nito sa paggamit ng soberanya ay pwede niyang limitahan para sa kanyang interes. Ang ginawa natin ay nilimitahan nating ang kapangyarihang usigin, litisin at papanagutin ang mga kano na lumabag sa ating batas dahil sa bisa ng VFA. Iba ang may kustodiya sa kanila gaya ni Permberton hanggang hindi natatapos ang kanilang paglilitis. May nahihita ba tayo sa ginawa natin ito gayong kapag Pilipino ang lumabag ng batas ng amerika eh wala man lang tayong maibigay na proteksyon sa kanila. Napakadali pang itakas ang akusado dahil kakampi niya ang nagbabantay sa kanya. Pero, mayroong VFa tayong sasandigan sa ginagawa sa atin na pambabraso ng China sa mga pulong inaangkin natin. Hindi para sa interes ng amerika ang ipagtanggol tayo kung ito lang ang isyu. Isang papel lang ang VFa, kaya napakamahal ang ibinayad natin dito.
National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso