Hindi talaga maiiwasan na uminit ang ulo mo sa iyong partner in life sa panahon ng Pasko, lalo na kung nagagahol ka na sa panahon, may mga bibilhin at babaluting regalo, kulang-kulang pa ang iyong ingredients sa Noche Buena, napundi ang inyong Christmas lights… at ni hindi ka man lang tulungang mag-solve ng ilang problema sa bahay ng iyong asawa. Dagdag pa rito ang kanyang pag-aalburoto sa tuwing hindi niya nagugustuhan ang ilan sa iyong mga ginagawa sa panahong ito, tulad ng mga tradisyong pampamilya o ang mga iniuutos mo sa kanya na talagang ayaw niyang gawin sa kung anong dahilan na siya lang ang may alam. Ngunit kung mapagkakasunduan ninyong idaraos ang panahon ng Pasko nang masaya at mapayapa, malamang na iyon nga ang mangyayari. Kaya narito pa ang ilang tips upang maiwasan ang init ng ulo.

Ang ugat ng pag-aaway: Mayroon kayong tradisyon, ngunit parang wala namang pakialam ang iyong asawa. Sinasabi mo sa kanya na wala siyang Christmas spirit, ngunit wala pa ring nangyayari, hindi siya nagbabago.

Paano iiwasan na magtadyakan kayo: Ayon sa mga dalubhasa, kapag iniisip mo palagi ang inyong tunggalian at magkakasalungat na pag-uugali, lalo kang makakikita ng mas marami pang problema ninyo sa isa’t isa. Pag-usapan ninyo ang mga bagay na napagkakasunduan ninyo sa panahon ng Pasko. Magdudulot ito ng positibong tono sa inyong pag-uusap at magiging banayad ang hindi niyon pagkakaunawaan. Halimbawa: Sabihin mo sa kanya na labis ang iyong kasiyahan kapag itinatayo niya inyong Christmas tree dahil binubuhay nito ang masasayang alaala ng inyong pamilya at nakatutulong iyon na maging mahigpit at maalab ang relasyon ng bawat miyembro. Malamang na sasali na ang iyong asawa sa mga tradisyon kung saan napapahalagahan ang kanyang mga inaambag sa okasyon. Magiging bahagi na siya ng team. Ang maliliit na rituwal na ito kaugnay ng panahon ng pasko ay nagpapatatag ng samahan ng mag-asawa at nagpapatingkad ng romansa.

Bukas uli.
National

Honeylet naiyak sa ginawa kay FPRRD: 'Kinidnap n'yo siya, wala kaming laban!'