Kris-in-hospital-copy-500x500

ISINUGOD sa ospital si Kris Aquino nang umakyat sa 150/100 ang kanyang blood pressure bunsod ng labis na pagtatrabaho.

Hindi na kinaya ng kanyang katawan ang sobrang pagod.

Nitong nakaraang Lunes ay nagka-allergy ang Queen of All Media nang mainom niya nang hindi sinasadya ang gamot ni Joshua. Kinabukasan, kahit hindi pa siya lubusang nakakabawi ang katawan ay napanood na siya nang live sa KrisTV at tinupad din ang kanyang iba pang work obligations.

Eleksyon

Siwalat ni Imee: 'Ang gobyerno ngayon ay hindi Marcos. Ang gobyerno ngayon Romualdez at Araneta'

Dinala na siya sa ospital nang tumaas ang kanyang blood pressure upang masuri na ring mabuti at makapagpahinga.

Ayon sa kanyang official Facebook fan page (krisaquino.net), sasailalim si Kris sa CT Scan.