Napatay ang isang hinihinalang holdaper nang makipagbarilan sa mga otoridad sa Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Freddie Nicol, 39, alyas Totoy Bite, ng NIA Road, Bgy. Pinyahan, Quezon City.

Base sa report ni P/Chief Insp. Elmer Monsalve, hepe ng QCPD homicide division ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), dakong 6:00 ng umaga nagsasagawa ng operation ang mga tauhan ng QCPD Station 10 Kamuning, Dangerous Anti Illegal Drugs (DAID), CIDU sa NIA Road, dahil sa pagkakasangkot umano ng suspek sa serye ng mga holdapan sa lungsod. Papasok pa lamang ang mga pulis ay agad na silang pinaputukan ng suspek. Narekober sa kanya ang isang kalibre .45 baril, isang .9mm na baril at 15 plastic sachet ng hinihinalang shabu.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20