Pinasalamatan ni Senator Grace Poe si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na nagpahayag ng suporta sa kanya sakaling magdesisyon siyang kumandidato sa pagkapangulo sa 2016.

Ito ay bilang reaksiyon sa pahayag ni Estrada na mas pipiliin niyang suportahan si Poe kay Vice President Jejomar Binay sakaling magdesisyon ang una na sumabak sa presidential race sa 2016 dahil itinuturing ni Erap na anak ang senadora.

Si Poe ay anak ng yumaong aktor na si Fernando Poe Jr. na matalik na kaibigan ni Erap kaya ang kanyang pagsuporta sa senadora ay isang personal na isyu at walang bahid pulitika.

Sa kabila nito, ipinaliwanag ni Poe na hindi pa siya makapagdedesisyon kung siya ay sasabak sa pagkapangulo dahil malayo pa naman ang 2016.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ikinagulat din ni Poe ang pahayag ni Estrada na ikanululungkot ng dating pangulo na hindi siya nakapagkampanya para kay FPJ noong tumakbo ito sa 2004 presidential race dahil ito ay nakadetine noong mga panahong iyon sa kasong plunder.

Si Erap ay kasamahan ni Binay at Senator Juan Ponce Enrile sa mga nagtatag ng United Nationalist Alliance (UNA) noong 2013 midterm elections.

Bagamat tumakbo sa ilalim ng Liberal Party na pinamumunuan ni Pangulong Aquino, sinuportahan din ng UNA ang kandidatura ni Poe sa pagkasenador. (Mario B. Casayuranng)