Tenorio vs Alapag

Ni Tito S. Talao

Laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)

7 p.m. – Barangay Ginebra vs Talk ‘N Text (do-or-die)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Talk ‘N Text kontra Barangay Ginebra San Miguel: ito ay isang kuwentong mas maraming subplots kumpara sa isang spy novel ni Robert Ludlum.

Kunsiderahin: MVP vs. RSA, ang anim na pinakamalaking alpabeto sa corporate Philippines. Si TNT coach Jong Uichico kontra dati niyang mga manlalaro at team management. Haharapin ni Ginebra mentor at minsang manlalaro ng Mobiline na si Jeff Cariaso ang prangkisa minsan siyang naging kabahagi. Sina Japeth Aguilar at LA Tenorio laban sa kanilang mga kakampi sa Gilas Pilipinas na sina Castro, Ranidel de Ocampo, Larry Fonacier at Jimmy Alapag.

Sina Danny Seigle at Jay Washington ng Tropang Texters, mga dating bituin ng San Miguel na makikipagsagupaan sa kanilang dating mga kakampi, at si Elmer Espiritu ng TNT laban sa kanyang dating koponan.

Ngunit isantabi lahat ng mga ito, ito ang do-or-die game na magdedetermina kung sino ang aabante sa best-of-7 semifinals laban sa top seed na San Miguel Beer sa PBA Philippine Cup sa Smart-Araneta Coliseum, at kung sino ang mag-eekis sa salitang “championship” mula sa kanilang Christmas wish list.

Nakatakda ang laban ganap na alas-7 ng gabi, at inaasahang blockbuster crowd ang pupuno sa Big Dome bago ang paglilipat ng mga laro sa Mall of Asia Arena para sa semis.

Tinapos ng Texters ang eliminations sa pagkuha ng panalo sa kanilang huling apat na laro at nakakuha ng puwesto sa knockout playoffs sa paggiba sa Barako Bull bilang twice-to-beat team, 105-76, sa Ynares Sports Center sa Antipolo noong nakaraang Biyernes.

Samantala, nakatikim ang Kings ng 100-90 pagkatalo sa kamay ng Rain or Shine sa pagtatapos ng elims ngunit nagbalik upang dikdikin ang Globalport, 95-78, sa unang yugto ng quarterfinals at isapuwesto ang sinasabing “finals before the Finals” laban sa Talk ‘N Text.

Sasandal ang TNT sa subok na nilang dribble-drive offense, isang hybrid system na isinunod sa Korean brand of basketball kung saan inaatake ng point guard ang depensa bago papasa sa mga bukas na kakampia mula sa labas ng 3-point arc.

Sa kabilang dako, maaaring gamitin ng Ginebra ang triangle offense upang tingnan kung pano mag-a-adjust ang TNT. Sakaling hindi gumana ang Triple Post Offense, inaasahan ang Kings na bumalik sa kanilang run-and-gun style sa pangunguna nina Tenorio at Joseph Yeo at may opsiyon na ibigay ang bola sa 7-footer na si Greg Slaughter at kunin ang double team upang makalibre sina Mark Caguioa at Mac Baracael.

Samantala, sa isa pang quarterfinal pairing, napatalsik ng Alaska ang Meralco upang isaayos ang rematch ng 2013 Governors Cup semis laban sa Rain or Shine. Magaganap ang Game 1 ng kanilang serye sa araw ng Pasko, Huwebes, sa MOA Arena.