Pinondohan ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng P56.6 milyong ang apat na bayan ng North Cotabato upang resolbahin ang kahirapan sa naturang lugar.

Sa ulat ni Agrarian Reform Secretary Virgilio delos Reyes, ang proyekto ay ipatutupad sa ilalim ng DAR-Mindanao Sustainable Agrarian and Agriculture Development (MinSAAD) program na layong mapigilan ang kahirapan sa nabanggit na lugar sa pamamagitan ng competitive at sustainable agriculture .

Aniya, ang lokal na pamahalaan ay may mahalagang papel sa pagpapatupad ng proyekto na nangangailangang higit na palawakin ang agricultural productivity at mapalaki ang kita ng mga farmer-beneficiary at ibang maliliit na magsasaka sa nabanggit na lugar.

“The DAR expects that these projects will help increase household income of farmers and their organizations on a sustainable basis through more profitable income-generating activities,” dagdag ni Abella.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ayon kay Abella , ang naturang proyekto ay kapapalooban ng usapin sa agrikultura, agribusiness at agroforestry development support kaakibat ang farm-to-market road at tulay gayundin ng irrigation at common service facility,rural water supply; institutional development support at project management.

Ang DAR-MinSAAD project ay isang programang pautang mula sa Japan International Cooperation Agency.