Patay ang isang 65-anyos na lola na pangulo ng isang samahan ng mga vendor sa palengke sa Blumentritt matapos barilin ng hindi nakilalang suspek habang natutulog sa kanyang tahanan sa Sta. Cruz, Manila nitong Biyernes ng gabi.

Tatlong tama ng bala sa noo at mukha ang ikinasawi ng biktimang si Belinda Bautista, biyuda at residente ng 2434 M. Hizon St., sa Sta. Cruz.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Bernardo Cayabyab, ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong 8:00 ng gabi habang mahimbing na natutulog ang biktima katabi ang kanyang apong babae. Pinasok ng suspek ang tahanan at binaril ang biktima.

Ayon sa mga pulis, inaalam pa nila kung may kinalaman sa pwesto nito sa asosasyon ng mga vendor ang krimen dahil imposible umanong pagnanakaw ang motibo ng pagpatay lalo na’t wala namang gamit na nawala sa bahay ng biktima.
National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza