Sa halip na masayang awitan at kwentuhan ang dapat maganap sa pagdiriwang sa kaarawan, naging madugo ito makaraang magsaksakan ang mga bisita sa Navotas City, kamakalawa ng madaling araw.

Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Israel Reano, 53, ng No. 76 Judge Roldan Street, Daang Bangko, Barangay San Roque ng nasabing lungsod, sanhi ng mga saksak sa katawan at mukha.

Kaagad namang tumakas ang suspek na nakilala lamang sa alyas na “King,” residente ng Gold Rock ng nasabing barangay.

Ayon sa report, kaarawan umano ni Nestor Guimiran at nag-iinuman ang mga ito sa Barangay San Roque ng dumating ang biktima at suspek. Makalipas ang ilang sandali, nagtalo sina King at Reano hanggang sa magkapikunan at saksakin ng suspek ang biktima.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20