Binalaan ng Ministry of Health ng State of New South Wales (NSW), Australia ang mga bagong nursing graduate sa Pilipinas kaugnay sa kumakalat na e-mail scam na nag-aalok ng mga pekeng oportunidad na trabaho sa Australia.

Abiso ng Ministry hindi dapat maniwala ang Pinoy nurse sa mga natatanggap na e-mail mula sa umano’y nursing directors ng St. Vincent’s Hospital at Liverpool Hospital sa New South Wales na nag-aalok ng bogus na trabaho kapalit ng salapi.

Inaabisuhan ng tagapagsalita ng NSW Health ang mga nakatanggap ng e-mail scam na balewalain ito at huwag magbayad o magbigay ng pera.

Pinapag-ingat ng NSW Health ang mga nurse na naghahanap ng trabaho sa Australia sa pagtanggap ng kaparehong alok na trabaho na nag-oobliga sa mga aplikante na magbayad.
National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands