Patay ng pagbabarilin ang mag-asawa matapos ang pananambang ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa Calbayog, Eastern Samar, Miyerkules ng hapon.

Nakilala ang mga biktima na sina Elmer Candido, 39 at Rhea Candido, 32, residente ng Barangay Capoocan, Cabayog.

Batay sa imbestigasyon ng Calbayog Police Station, galing sa kanilang bukirin ang mag-asawa sa Barangay Cataransan kasama ang 12-anyos nilang anak nang biglang lapitan ang mga ito ng dalawang kalalakihan at walang sabi-sabing pinagbabaril.

Namatay noon din ang mag-asawa makaraang magtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang nakatakbo naman ang kanilang anak.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Patuloy pang pinaghahanap ng pulisya ang mga suspek.