Upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga pasahero, pinaikli ang oras ng biyahe ng Metro Rail Transit (MRT) kahapon ng gabi dahil sa banta ng bagyong Ruby.

Sinabi ni MRT 3 Officer-incharge Renato San Jose na ang huling tren galing North Avenue ay umalis ng istasyon ng 7:00 ng gabi habang ang huling biyahe mula Taft Avenue ay umalis ng 7:40 ng gabi.

Samantala, nagsagawa rin ng provisional service sa MRT 3 matapos madiskubre ang bitak sa riles sa pagitan ng Ayala at Magallanes station sa Makati City dakong 8:03 ng umaga.

Sinabi ni San Jose na nagbaliknormal ang operasyon ng MRT 3 nang matapos ang emergency repair sa tren dakong 8:50 ng umaga. (Kris Bayos)
National

PBBM office, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱10.5B proposed budget sa 2025