Patay ang limang miyembro ng New People’s Army (NPA) kasabay ng pagkumpiska sa limang high powered firearms matapos ang engkuwentro ng mga sundalo at rebelde sa Sitio Upper Balantang, Barangay Cabuyuan Mabini, sa Compostela Valley.

Ayon kay 1st Lt. Vergel Lacambra, division public affairs office ng 10th Infantry Division, naganap ang 10-minutong engkuwentro bandang 2:00 ng hapon habang nagsasagawa ng security patrol ang mga kasapi ng 71st Infantry Battalion Philippine Army.

Wala namang iniulat na namatay sa panig ng mga sundalo.

Narekober ang isang M653 rifle, 3 M16 rifle at isang M1 Garand rifle, limang bandolier, 10 magazine ng M16, mga subersibong dokumento at mga personal na kagamitan ng mga rebelde.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20