TAAS-NOO KAHIT KANINO ● Likas na yata sa ating pagka-Pilipino ang kahusayan sa kahit na anong larangan. Naniniwala ako, puwede tayong pinakamagaling, at puwede rin tayong maging pinakamalala. Ngunit doon na lang tayo sa pinakamagaling sapagkat iyon naman ang nararapat. Kamakailan lang, 33 indibiduwal at overseas organization ang pinarangalan ng Pangulong Aquino na idinaos sa Palasyo.

Kabilang sa mga tumanggap ng presidential award sina Lea Salonga, na pinuri sa mahusay na pagganap sa broadway musical na ‘Miss Saigon’, gayundin si Michael Cinco, kilalang designer sa Middle East; Robert Lopez, composer ng hit song na “Let It Go” mula sa Walt Disney film na “Frozen” at Jasmin Lee na unang Pinay na naging miyembro ng South Korean National Assembly. Sa makislap nilang pangalan bunga ng kanilang pagsisikap, mistulang naitataboy nila ang mga negatibong elemento na nakalambong sa ating bansa. Dahil sa kanilang tagumpay, para na ring buong bansa ang tumanggap ng parangal. Mabuhay kayo! Mabuhay tayo!

***

WATERPROOF BAG ● Sapagkat napipinto ang bagyong Ruby (huwag na sana), mas mainam na maging handa na lamang ang mga kababayan nating nasa tatahaking landas nito. Hindi lamang sa pagkain at tubig kundi pati na rin ang ilang bagay na sadyang mahalaga sa panahon ng kalamidad. Dito may paalala si DOST Secretary Mario Montejo. Aniya, pangunahing ihandaang waterproof bag na naglalaman ng pocket knife, first aid kit, posporo o lighter, flashlight na may extra batteries, cash, damit clothes, lubid, cellphone na may extra baterya o powerbank, gayundin ang mahahalang dokumento. Mainam nga na magkaroon ng waterproof bag na puno ng mga pangunahing pangangailangan ng pamilya – huwag lamang itong bibitiwan o pababayaan upang hindi umakit ng magnanakaw at mga mapagsamantala. Marami sa ating mga negosyante, sa tuwing magkakaroon ng masamang panahon, ay nagpe-peso sign ang kanilang mga mata. Dahil dito, nakiusap naman ang Simbahan sa mga negosyante na huwag samantalahin ang panahon ng kalamidad upang huwag lalong mabaon sa dusa ang mga apektado nating kababayan at mga tumutulong sa kanila.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente