Ni CZARINA NICOLE O. ONG

Nagpalabas kahapon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng cease and desist order na nagsususpinde sa operasyon ng lahat ng provincial bus company na may rutang roll-on-roll-off (RORO) patungong Southern Luzon, Eastern Visayas at Mindanao, na rito inaasahang tatama ang bagyong ‘Ruby’ ngayong weekend.

Paliwanag ni LTFRB Chairman Atty. Winston Ginez, layunin nitong maiwasan ang anumang perhuwisyong idudulot ng bagyo sa mga pasahero at para na rin matiyak ang kaligtasan nila.

“In ensuring the safety of passengers, drivers, conductors and to avoid inconvenience in the event they get stranded in various ports due to typhoon Ruby, the Board decided to suspend the operations all Provincial Bus Operators with RORO Routes effective immediately,” ani Ginez.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sa bisa ng nasabing direktiba, pagbabawalan ang mga nasabing operator na ibiyahe ang kani-kanilang unit sa mga ruta nito na maaapektuhan ng bagyo at sinuspinde na rin ang mga port operation.

“Mas maigi na maging handa tayo at huwag nang pumalaot pa ang mga RORO bus operators upang maiwasan natin ang anumang aksidente habang masama ang panahon,” sabi pa ni Ginez.