TANZA, Cavite – Nalunod noong Huwebes ang isang mangingisda makaraan siyang mahulog sa bangka habang nakapalaot sa Barangay Amaya VII sa Tanza, Cavite, ayon sa pulisya.

Patay na si Jose Cadeliña Corpuz, 48, nang matagpuan ang kanyang katawan.

Pinaniniwalaang inatake sa sakit sa puso si Corpuz, may asawa, ng Bgy. Sapa III, Rosario, habang mag-isang nangingisda lulan ng bangkang “Dianne Sian”.

Sinabi ni PO1 Mark Joseph Tambanillo Arayata, batay sa report ng barangay kagawad na si Erwin Valenzuela Solis, 45, na may alta-presyon at sakit sa puso si Corpuz. (Anthony Giron)
Metro

Unang araw ng ‘12 Days of Christmas: Libreng Sakay,’ simula na!