IPINAGDIRIWANG ngayon ng Thailand ang kanilang Pambansang Araw na kasabay ng ika-86 kaarwan ng Kanyang Kamahalan, King Bhumibol Adulyadej. Sa Bangkok, ang lugar sa paligid ng Sanam Luang (malawak na luntiang parang na nasa harap ng Grand Palace) ay sarado sa trapiko na nagiging malaking pagdarausan ng kapistahan, na may food at drink stalls, at libu-lubong celebrant ang nangagkalat sa mga lansangan. May firework displays sa maraming bahagi ng Thailand, lalo na sa Bangkok.

Si King Bhumibol, na kilala rin bilang rama IX, ay mahal taumbayan ng Thailand. Siya ang ikasiyam na monarka sa Chakri dynasy na ininatag noong 1782. Ang Kanyang Kamahalan, ang pinakamatagal na naglilingkod na pinuno ng estado at pinakamatagal na naghaharing monarka sa kasaysayan ng Thailand, ay tumutupad ng mahalagang tungkulin upang manatiling matibay ang bansang Thai.

Tinatamasa ng Pilipinas ang masiglang pakikipag-ugnayan sa Thailand mula pa noong itatag ang diplomatikong relasyon nito noong 1949. Pinagsasaluhan ng Thailand at Pilipinas ang kakaibang agapayan bilang dalawa sa limang founding member ng Association of Southeast Asian nations (ASEAn) nang likhain ito sa Bangkok noong Agosto 8, 1967. Ang dalawang bansa ay itinuturing pangunahing tagapagpakilos sa iba pang regional forums tulad ng ASEAn regional Forum, ng Asia- Pacific Economic Cooperation (APEC) forum, and the Asia-Europe Meeting (ASEM).

Malawak ang saklaw ng ugnayan ng dalawang bansa sa larangan ng kooperasyon, mula economic, hanggang social, cultural, security, at mga usaping hinggil sa labor. Noong Hunyo 21, 2013, lumagda ang mga opisyal Pilipinas at Thailand sa tatlong kasunduan na may layuning patibayin ang mga ugnayan at kooperasyon. Ang mga kasunduang ito ay ang Convention for the Avoidance of double Taxation and the Prevention of Fiscal Evasion with respect to Taxes on Income, ang Joint Statement for the Establishment of an Energy Forum, at ang Memorandum of Understanding on the Cooperation between Thailand-Philippines and the Philippines-Thailand Business Councils. Noong Nobyembre 16, 2014, ang tanggapan ng Philippine Honorary Consul ay pormal na binuksan sa Chiang Mai.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ipinararating natin ang ating maalab na pagbati sa mga mamamayan at pamahalaan ng Thailand sa pangunguna ng Kanyang Kamahalan, King Bhumibol Adulyadej at Prime Minister Prayut Chan-o-cha, sa okasyon ng kanilang Pambansang Araw.