Pinagbabaril at napatay ang isang mag-asawa nang sila ay tambangan ng riding-in-tandem habang papauwi sa Calbayog City, Eastern Samar noong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Ramon Bentores, 45, at Mary Ann Bentores, 39, kapwa empleyado ng Calbayog City Hall, at naninirahan sa Barangay. Capoocan, Calbayog City.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Calbayog City Police Office, nanggaling sa trabaho ang mag-asawa at pauwi na dakong 5:50 ng hapon ng tambangan ng dalawang hindi kilalang suspek sa Bgy. Obrero, Capoocan City.

Blangko pa rin ang mga awtoridad kung ano ang motibo ng pagpatay sa mga biktima.
Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod