SABI nga, “good things come to those who wait.” Ito nga marahil ang naranasan ng Scottish singer na si Susan Boyle sapagkat nahintay niyang makilala ang kanyang unang boyfriend sa edad na 53.

Nabihag ng I Dreamed a Dream singer ang buong mundo nang mapanood siya sa UK TV show na Britain’s Got Talent noong 2009. Mabilis na sumikat at yumaman ang singer at tila naranasan na niya lahat maliban lang sa isa: ang mahalikan.

Ngayon, kitang-kita na mas lalong masaya ang singer dahil sa wakas ay dumating na ang nagpapatibok ng kanyang puso. Isiniwalat ni Boyle sa The Sun na dumating na ang lalaki sa buhay niya — at isa itong American doctor.

Nagkakilala ang dalawa habang nasa anim na linggong promotional tour sa US ang singer, sa isang hotel sa Florida. Ayon kay Boyle, ang hindi pinangalanang doctor ay “perfect gentleman,” at masaya silang nagtanghalian na magkasama. Plano ng dokor na bisitahin siya sa kanyang tahanan sa Scotland.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“It’s early days but we enjoy each other’s company,” kuwento ni Boyle. “We just got talking in the hotel and I thought he seemed friendly enough. He wasn’t a fan but he knew who I was. He invited me out for lunch the next day, we had a nice chat and spoke about lots of things including our careers.”

“He was the perfect gentleman and even paid the bill. Afterwards we exchanged details. When we said goodbye he gave me a peck on the cheek,” dagdag ni Boyle.

“I don’t want to say any more about who he is right now as that would be unfair on him. All I’ll say is we are around the same age and he was a very nice guy.” - US Weekly